Posted in Gitarista, love, Musika

“Gitarista” 


Noon pa man, bilib na ako sa mga taong magaling tumugtog ng gitara. 

Hindi ko alam bakit, pero sa tuwing nakikita at naririnig ko ang bawat “strum” nila para bang hinaharana ang kalooban ko.

Gumagaan ang pakiramdam ko, sumasaya ako.

Matagal ko ring hindi naramdaman ang ganoong saya. Kagabi lang ulit. 

Nakatingin lang ako sakanya buong gabi. Nakikinig sa bawat tugtog niya. 

At ng kumanta siya, totoong nagayuma ang kalooban ko sa ganda ng boses niya. 

Pero alam ko ang pakiramdam na yun ay panandalian lang. Kaya sa kabilang banda nalungkot rin ako. 

Hindi naman kami magkakilala. At kung sakaling makilala man niya ako napakaimposibleng mapansin niya ako. 

Imposibleng mapansin niya ako. Paano pa kayang mahalin ako? 

Sana magkita pa kami ulit at magkaroon ng pagkakataong mag-usap at magjamming na rin. 

Siya na nga kaya? Ang gitaristang mamahalin ko? Ang gitaristang babago sa malungkot kong mundo? ❤️