Posted in Falling, love, Magmahal, Mahal, Tagalog, Uncategorized

Tamang Panahon


Kailan nga ba ang tamang panahon?

Sino ba ang tamang tao?

Kailan ba siya darating?

Naiinip na ako.

Sa tuwing nakikita ko ang ibang tao na nagmamahal at minamahal, nalulungkot ako.

Pakiramdam ko’y nag-iisa ako.

Walang nagmamahal. 

Madalas ay haharap ako sa salamin at magtatanong bakit walang nagkakagusto sakin?

Ganda na lamang ba talaga ng basehan sa taong mamahalin? 

At sa gabi’y dinadasal ko na lang na sana makilala ko na ang taong mamahalin ko at magmamahal sa akin ng totoo. 

Na sana matanggap niya ako pati mga kapintasan ko. 

Ayoko namang madaliin ang lahat.

Ayoko sa relasyong panandalian.

Gusto ko yung magtatagal. 

Yung totoo.

Walang echos, walang chena.

Tunay na pagmamahal. 

Balang araw, sa Tamang panahon.

Darating din siya. Ang tamang tao na nilaan ng Diyos para sa akin.

❤️❤️❤️

Posted in buslovestory, chivalry is not dead, Crush, Ikaw, love, love story, Sana, Singkit, Tagalog

“Bus Love story”

Kung merong Jeepney love story si Yeng Constantino, meron naman akong Bus love story.. 

Please don’t judge! Ngayon lang to promise! 

Monday is a busy day for most of us, lalo sa mga lumuluwas from their province to Manila. In my case, galing ako Pampanga pupunta ng Manila to get something I worked so hard for. Ang aking PRC license.

Syempre pinaghirapan ko yun, so kailangan kunin. Hahaha. Nagrereview palang ako para sa board exam naranasan ko na ang Monday madness sa pagsakay ng bus. Walang Monday na hindi standing papuntang Manila. Tama? Wala pa yatang Lunes na lumuwas ako at nakahanap ng mauupuan. In short, inexpect ko nang tatayo ako from San Fernando to Avenida. 

Hay! Sumakto pang umulan pagbaba ko ng jeep. At suot ko pang sapatos ay canvass, deretso sa medyas ang basa. Pag sineswerte ka nga naman! Nakita kong dumaan ang Bataan Transit na Avenida at nagtakbuhan ang mga tao papunta dun dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Ako naman, di ko na sinubukang tumakbo dahil baka madapa or madulas pa ako at lalong maiwanan ako ng bus. 

So, pagsakay ko ng bus. Ayos! Standing na! At di ko alam saan ako ppwesto. So ayun, nung dumaan sa Robinsons yung bus may mga ilan na bumaba. So medyo umasa akong may uupuan ako. Kaso yung mga lalaking kasabay ko, inunahan ako sa lahat ng upuan. Ang saya! Haha! Nang may isang mabakanteng upuan sa gawing likuran, May isang lalaki na tinuro yun at sinabing dun nalang ako maupo. Dahil ako lang yung babaeng nakatayo. Kaya lang, inunahan ako ng isa pang lalaki. Kaya nagreact siya “Yun lang!” Sabay ngiti. 

Naka-cap siya na nike, Naka-gray siya na shirt, Naka-vans na shoes at naka-Iphone. Noong una hindi ko masyado napansin ang kanyang mukha dahil wala akong salamin. Hahaha. Uy! Meron pa palang isang upuan, yung upuan na nilalagay sa aisle ng bus at sinabi niyang dun nalang daw ako maupo. 

So ayun, pag-upo ko sinuot ko kaagad yung salamin ko. Uy ha! Wag judgmental! Hindi ko sinuot yun para lang makita siya ng mas malinaw, kundi dahil masakit yung ulo ko pag hindi ko yun suot. Though syempre nakatulong yun para mas makita ko siya. Hahaha! Nung lumapit na yung kunduktor para mamigay ng ticket una siyang binigyan kasi nga nasa harapan ko siya. Tinanong siya “Estudyante po?” Nilabas niya yung ID niya at sobrang linaw ng mata ko, nakita ko “UST”. At nung ako na yung tingnan ng konduktor sabi ko “Avenida po”. Tinanong din ako, “Estudyante po?” at ang sagot ko. “Hindi po”. Naramdaman kong nagulat siya ng bahagya nung marinig niya yun.

Malamang iniisip niya na matanda nako. Hmm! Kainis! hahahaha! Habang nagbbyahe, hindi ko alam if nagffeeling lang ako or napapatingin siya sa akin. Or baka nagffeeling nga lang ako! Hahaha! Sorry na! Pero siguro naman napapalingon siya kahit konti! Grabe naman kayo! Hahaha! So ayun, pareho lang kami naka-headset buong byahe nakikinig ng music.

Gusto ko sanang pa-Thank you sakanya dahil imbis na siya yung umupo dun, ako pinaupo niya. Kaso nahihiya ako. So ayun, may biglang bumaba, so nakaupo na ako ng maayos. Ineexpect ko na uupo kaagad siya dun sa inupuan ko, kaso tinanong niya muna ako habang tinuturo yung upuan. Tumango nalang ako, saka siya umupo. at patuloy na nakinig ng music. Hahahaha! 

Gusto ko na siya kausapin, kaso wala pa rin ako lakas ng loob. Hahaha! Char. So hinayaan ko na lang. Nang may biglang bumaba ulit, dalawa! So umupo siya. Tumayo ako sa kinauupuan ko para umupo sa tabi niya para mas madali makababa at dahil gusto ko nga pa-Thank you. Kaso nahihiya pa din ako. Hanggang marealize ko na, malapit na bumaba. Edi nagkapal na ako ng mukha. Inhale, Exhale! Go! 

Ako :”Excuse me, pwedeng magtanong?” 

Siya: Ano po yun?

Ako: Taga UST ka ba? Hmm kasi gusto ko makarating kaagad sa PRC alam mo ba kung 

saan ako bababa at anong sasakyan ko papunta dun? 

Siya: Opo, bababa po dun sa may Goldilocks tapos magttricycle papuntang PRC. Sakto dun din naman po ang punta ko, sa may FEU. 

Okay, so ayun! Hahaha! Kapal ng mukha ko. My gosh! Sobrang nice niya, kaso nga lang nagpo-Po siya! So, porket nagwwork nako super tanda ko na? ganern?! Pero keri lang! Hahaha! So bumaba na nga kami! Pero promise! Di ko alam kung saan bababa! Gusto ko lang makarating kaagad! Ayun nga, pagbaba.

Ako: Hmm wala bang jeep papunta dun?

Siya: Wala po eh. Tricycle lang. Yun lang ang mahirap dito. Malayo naman kung lalakarin.

Ako: I’m so lost! Huhu

Siya: First time niyo po ba pupunta dun?

Ako: Hindi naman kaso, dati bumababa pa ako sa Avenida. Feeling ko napapalayo ako. 

Hanggang tinanong niya yung isang tricycle driver.

Siya: PRC po?

Tumango naman yung driver at nagback ride siya. 

Ako: Dito ka nalang sa loob.

Siya: Hindi po dito na lang ako. Okay lang ako dito.

*Guys syempre kawawa naman! Cutie niya tas mauusukan siya dun sa likod! Hahahaha! 

So ayun, siguro may 10 minutes din byahe namin papuntang PRC pero mas napabilis kesa kung bumaba ako sa Avenida. So pagbaba, agad niyang inabot yung 100 pesos niya dun sa driver. Kaso habang kausap niya yung kaibigan niya. Sabi ng driver “Wala po kayong barya?” Sumagot ako, “Magkano po ba?” 60 daw, so binayaran ko na habang busy siya. Binalik ko sakanya yung 100. 

Siya: Ha, Magkano po? Wala kasi akong barya, papalit ko lang muna dito tapos bayaran ko kayo.

Ako: Nako hindi na. Okay na.

Siya: Hindi po babayaran ko. O kaya bilhan ko nalang kayo ng inumin dito. Please.

Ako: *Nakikita kong nagblush siya sa hiya* Hindi na okay lang talaga. Okay na yun. At least di ako naligaw.

Siya: Hmm. Sige po. Thank you!

Ako: Thank you rin!

 


Ayun guys! THE END! Nganga ang ending. Ayos ba? HAHAHAHAHA! 🙂

THANKS FOR READING! 🙂 

 

 

Posted in Crush, Falling, Friendzone, love, Magmahal, Mahal, Sana, Tagalog, Tambay, Uncategorized

Tambay sa “Friendzone”

Gusto ko na yata bigyan ang sarili ko ng award “Most Friendzoned” Awardee 

Nakakatawa lang no? Haha. 

Pero totoo yun.

For the past 3 years tumambay na yata ako sa friendzone.

Walang manliligaw, kung meron man hindi naman seryoso.

Walang nagkakagusto, kung meron man hindi naman pwede.

Walang nagtatangkang lumapit, ewan ko ba baka nasusungitan sakin?

Masakit ang mga katotohanang yun.

Kasi mapapaisip ka, “Ano kaya mali sakin? Bakit ako naffriendzone?”

Yung pakiramdam na “Not good enough” for anyone. 

Yung wala pa man sa getting to know stage, pinaparamdam na sa’yo na. 

“Friends naman tayo di ba?” 

“Mas okay kung friends di ba?”

“Mas tatagal tayo kung friends eh.”

Gasgas na mga linya.

Laging ganon ang punchline eh! Haha. 

Somehow, dahil sa pain and frustrations ko sa lovelife ko.

Nagkaroon ako ng panahon para mas kilalanin ang sarili ko.

Mas mahalin ang sarili ko.

Kung magmamahal man, magtitira ako para sa akin.

Hindi lahat ibinibigay.

At syempre magbago, para sakin at hindi para sa kahit sino. 

And later on, nasanay na ako sa lugar na to. 

Sa lugar ko.

Sa friendzone. 

Nasanay na ako na kaibigan lang.

Tagapayo, Karamay, Tagapakinig sa mga problema at hinaing.

Hindi na hihigit pa dun.

Siguro, malay natin? hindi pa lang ngayon.

Pero darating din yung taong mag-aahon sakin sa friendzone.

Yung taong ipararamdam sakin ang halaga ko.

Yung taong mamahalin ako kahit hindi ako perpekto.

Hindi man siya yung inaasam kong tao, pero baka higit pa siya sa inaasahan ko. ❤️

Posted in God gave me you, Ikaw, love, Magmahal, Mahal, Pag-ibig, Sana, Tagalog, Uncategorized

Para sa lalaking takot pang magmahal muli.

Alam ko malabong mabasa mo ito.

Sana hindi mo ito mabasa kung sakali.

Alam ko rin maraming mga tao ang nagtataka, kung bakit ikaw.

Ang dami naman daw.

Pero bakit ikaw?

Bakit nga ba?

Hindi ko rin alam.

Ang alam ko lang, gusto pa kitang mas makilala.

Dalawang buwan na ang nakaraan simula ng naging malapit tayo sa isa’t isa.

Dahil lamang sa outing natin.

Dalawang buwan na rin kitang nais kausapin.

Bakit ang bait mo sakin?

Bakit may iba akong naramdaman?

Gusto kong malaman.

Bakit bigla mo nalang ako iniiwasan?

Oo nag-uusap tayo, pero naiilang ka.

Ramdam ko, kinakausap mo lang ako. 

Dahil kailangan.

Nakokonsensya ako, dahil hinuhusgahan ka ng iba.

Bakit nga ba?

Dahil sa nararamdaman kong ito.

Ang dami kong gustong itanong.

Sa dalawang buwan na iyon, gustong gusto kitang kausapin.

Pero di ko alam papaano.

Gustong gusto ko ‘tong ayusin.

Pero paano?

Para bang ayaw mo.

Galit ka ba?

May tampo?

Sabihin mo naman sakin.

Nang hindi ako nababaliw sa kaiisip.

Anong mali ang nagawa ko?

Kasalanan ko rin siguro na nalaman mo ang nararamdaman ko.

Kaya ayaw mo lang din siguro ako saktan.

O baka ayaw mo pang magmahal muli?

Natatakot ka bang magmahal muli?

Sino bang hindi?

O siguro, Wala pa sa isip mo ang mga ganitong bagay.

Marahil, Hindi ako ganoon kahalaga para panghinayangan mo.

Sa ngayon, puro tanong ang bumabalot sa isip ko. 

Tanong na hanggang ngayon wala pa ring kasagutan. 

Puro siguro, Puro bakit, Puro baka.

Walang kasiguraduhan ang lahat.

Pero ganoon pa man, Nais kong malaman mo.

Kahit walang sigurado.

Gusto kong subukan.

Malay mo sa pagkakataong ito.

Tamang tao na ang mamahalin ko. 😊